Pinay, nasa death row sa Indonesia dahil sa droga

By Marilyn Montaño October 10, 2018 - 07:36 PM

 

Minomonitor ng gobyerno ng Pilipinas ang kaso ng isa pang Filipina na convicted sa kasong droga sa Indonesia.

Sa press conference, ibinunyag ni Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Wee na isang Pinay sa Semarang, Central Java ang nasa death row dahil sa drug-related case.

Pero walang ibang detalye ang Ambassador na nalaman lamang ang kaso noong nakaraang linggo.

Gayunman, tiniyak ni Wee na ibibigay ng pamahalaan ng Pilipinas ang lahat ng kailangang tulong sa hindi pinangalanang Pinay.

Gaya aniya sa kaso ni Mary Jane Veloso, na hinatulan din ng kamatayan dahil sa pagpuslit ng heroin at nakakulong pa rin sa Yogyakarta prison, binabantayan ng embahada ng Pilipinas ang kaso ng Pinay sa Semarang.

Nakatakda namang bisitahin ni Wee sina Veloso at ang bagong death convict sa Semarang.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.