10 suspek sa pag-ambush sa 5 PDEA agents, kinasuhan na ng PNP

Nagsampa na ang Philippine National Police o PNP ng mga kasong murder at frustrated murder laban sa sampung suspek sa pananambang sa limang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA o sa Lanao del Sur.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ang mga suspek ay mga miyembro ng isang drug trafficking group.

Lumalabas aniya na ang ambush ay bilang ganti sa matagumpay na kampanya laban sa droga ng PDEA noong Agosto.

Tinambangan ang limang PDEA agents matapos dumalo sa programa sa bayan ng Tagoloan.

Sugatan naman ang isang babaeng PDEA agent at isang pulis.

 

Read more...