Nakukulangan na sa panahon ang minorya sa Kamara para sa pag-apruba ng bagong Saligang Batas bago matapos ang 17th Congress.
Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, limitado na lamang ang kanilang panahon kaya posibleng hindi nila matapos ang
isinusulong na Charter Change o Cha-Cha.
Kung mapagtitibay man aniya ang bagong Saligang Batas, maaaring sa 18th Congress na ito.
Sa tanong naman kung suportado nila ang Cha-Cha, sinabi ni Suarez na kung hihingin ng mayorya ang kanilang pagsang-ayon ay
susuporta sila rito.
Paliwanag ni Suarez, kailangan na ng pagbabago sa Konstitusyon upang makaagapay sa panahon lalo na sa ekonomiya.
Kung marami aniyang mga dayuhang mamumuhunan sa ating bansa, marami ang makikinabang dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.