Base sa mga isinumiteng papeles ng PECO sa Securities and Exchange Commission o SEC), natuklasang nagbigay pa ito ng dibidendo sa isa sa mga malaking stockholder nito mula 2015 hanggang 2017 sa kabila ng reklamo ng electric consumers ng masamang serbisyo.
Nakita sa records ng PECO na nagbayad ito ng dibidendo na P51 Million noong 2017, P43 Million noong 2016 at P41 Million noong 2015 sa isa nitong stockholder.
Inamin naman ni Legislative Franchises Committee Chairman Francis Josef Alvarez na narindi ang mga miyembro ng komite dahil sa tambak na reklamo laban sa PECO.
Ang 70% ng PECO ay pag-aari ng pamilyang Cacho na humihingi ng bagong prangkisa sa Kamara pero nanganganib na hindi ma-i-renew dahil sa tambak na reklamo sa masamang serbisyo nito.