Pang. Duterte, biyaheng-Indonesia na para sa ASEAN Leaders Gathering

By Chona Yu October 10, 2018 - 07:12 PM

Nakaalis na ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa ASEAN Leaders Gathering na gaganapin sa Bali, Indonesia.

Dakong 6:17 ng Huwebes ng gabi (October 10) nang umalis ang presidente sa Awang Airport sa Maguindanao.

Kabilang sa miyembro ng Reception Party o mga sasalubong kay Pangulong Duterte ay sina Ambassador Leehiong T. Wee, Philippine Ambassador to Indonesia; Ambassador Elizabeth Buensuceso, Permanent Representative to the Philippine Mission to ASEAN; Trade Minister Enggartiasto Lukita; at Ambassador Sinyo Sarundajang, Indonesian Ambassador to the Philippines.

Bago tumulak patungong Indonesia, bumisita muna si Pangulong Duterte sa burol ng limang inambush na ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Nakaburol ang mga labi ng PDEA agents sa St. Ignatius Chapel sa Camp Siongco sa Barangay Awang Datu Sinsuat Maguindanao.

Hindi na nagbigay ng talumpati ang punong ehekutibo at sa halip ay nakiramay at nag-abot ng pinansyal na ayuda sa mga pamilya ng yumaong PDEA agents.

 

TAGS: ASEAN Leaders Gathering, Rodrigo Duterte, ASEAN Leaders Gathering, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.