Rice Tarrification Bill, sinertipikahang urgent bill ni Pang. Duterte
Sinertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tarrification Bill.
Base ito sa liham ng punong ehekutibo na ipinadala kina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa ilalim ng panukala, aalisin na ang quota sa pag-aangkat ng bigas para matugunan ang tumataas na presyo nito sa merkado.
Layon din ng Rice Tarrification Bill na ma-address ang pangangailangan o ang availability na bigas sa bansa, mahadlangan ang artificial rice shortage, matapyasan ang presyo ng bigas sa merkado, at mabawasan ang kurapsyon at kartel sa rice industry.
Ang Senate Bill 1998 ay nananatiling nakabinbin o nasa 1st reading pa lamang sa Mataas na Kapulungan.
Sa Kamara naman ay lusot na ang panukala sa 3rd and final reading.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.