CA Associate Justice Ramon Paul Hernando, bagong mahistrado ng Korte Suprema

By Alvin Barcelona, Isa Avendaño-Umali October 10, 2018 - 04:51 PM

 

Photo credit: Ateneo de Manila University website

Nakapili na si Pangulong Rodrigo Duterte ng kapalit ni dating Supreme Court Associate Justice at ngayo’y Ombudsman Samuel Martires.

Ito ay matapos na pirmahan ng pangulo ang appointment ni Court of Appeals Associate Justice Ramon Paul Hernando bilang ika-labing tatlong mahistrado ng Mataas na Kapulungan.

Si Hernando, na graduate sa Ateneo Law School, ay nagdiwang ng kanyang ika-52 kaarawan nito lamang Agosto.

Walong taon siyang naglingkod bilang Associate Justice ng appellate court matapos maitalaga noong Pebrero 2010.

Nagsimula siya bilang state prosecutor sa Department of Justice at naging Presiding Judge ng Quezon City Regional Trial Court Branch 93 sa loob ng tatlong taon bago maging presiding judge sa San Pablo Regional trial court sa Laguna ng halos tatlong taon.

 

 

TAGS: Ramon Paul Hernando, Supreme Court, Ramon Paul Hernando, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.