Nasunog ang isang bodega ng ukay-ukay sa Pasay City, hapon ng Huwebes (October 10).
Pasado 2:40 ng hapon nang mag-umpisa ang sunog sa nasabing bodega na matatagpuan sa Park Avenue, Cuneta Street.
Ini-akyat ang sunog sa ikalawang alarma dakong 3:07 ng hapon.
Sinabi ni Chairman Noel Abellosa ng Barangay 77, posibleng nagsimula ang sunog sa lumang electrical wiring lalo’t luma na ang bodega.
Ayon naman kay Pasay City Fire Marshall Supt. John Pinagot, walang napaulat na nasaktan sa gusali na inuupahan ng isang Edmund G. Ong.
Sa kabutihang palad din ay walang nadamay na bahay o iba pang establisimyento sa sunog.
3:47 ng hapon nang ideklarang fire under control ang sunog.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, inaalam pa kung ano ang tunay na pinagmulan ng apoy at kung magkano ang kabuuang pinsalang idinulot ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.