Pang. Duterte, naglabas ng drug matrix na nagdadawit sa ilang opisyal ng PNP at PDEA

By Chona Yu October 10, 2018 - 03:32 PM

Isinapubliko na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang drug matrix kung saan sangkot ang mga matatas na opisyal ng Philippine National Police o PNP, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Bureau of Customs o BOC na responsible sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Base sa intelligence report na may petsang September 12, 2018 na ipina-declassify ng pangulo at ipinamahagi sa Malacanang Press Corps, kabilang sa drug matrix sina Director Ismael Gonzales Fajardo Jr., na nasibak na sa puwesto bilang Deputy Director General for Administration ng PDEA noong September 14 dahil sa pagkawala ng P6.8 billion na halaga ng shabu.

Kilala si Fajardo sa drug community bilang scorer at recycler ng ilegal na droga.

Ayon sa drug matrix ng pangulo, naging miyembro ni Fajardo si Police Senior Supt. Eduardo Paderon Acierto, na dating officer in charge ng PNP Anti-illegal Drugs Group.

Matatandaang binuwag ni Pangulong Duterte ang PNP Anti-Illegal Drugs Group matapos madawit ang ilang mga pulis sa pagpatay sa Korean na si Jee Ick Joo sa loob mismo ng Camp Crame.

Nakalusot si Acierto at hindi nakasuhan ng command responsibility dahil binuwag na ni Pangulong Duterte ang naturang unit.

Kasama rin sa matrix at naging tauhan ni Fajardo sina Police Senior Supt. Leonardo Ramos Suan; Police Supt. Lorenzo Cusay Bacia; Police Insp. Lito Torres Pirote; Police Insp. Conrado Hernandez Caragdag; at SPO4 Alejandro Gerardo Liwanag.

Si Fajardo ang mastermind sa paggawa ng mge pekeng drug raid sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang pagkakaaresto kay Lt. Colonel Ferdinand Marcelino sa Maynila noong 2016.

Sa drug matrix ng pangulo, inirekomenda na imbestigahan ang mga dawit na opisyal at isalang sa lifestyle check matapos maging kwestyunable ang kanilang biglang pagyaman.

Nabatid na ginawa ang special report matapos magsagawa ng imbestigasyon ang Senate Blue Ribbon Committee noong September 11, 2018 kung saan na-cite for contempt for perjury si Jimmy Guban ang intelligence officer ng BOC kaugnay sa pagkawala ng P6.8 billion na halaga ng smuggled shabu.

 

TAGS: Drug matrix, PDEA, PNP, Rodrigo Duterte, Drug matrix, PDEA, PNP, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.