Resorts World Manila inabswelto ng Kamara sa insidente ng pamamaril noong isang taon

By Erwin Aguilon October 10, 2018 - 12:57 PM

AP Photo

Walang nakitang dahilan ang mga komite sa Kamara na duminig sa nangyaring pamamaril sa Resorts World Manila upang kasuhan ang pamunuan nito.

Sa naging pasya ng House Committee on Public Order and Safety, Games and Amusement and Tourism inabswelto nito Resorts World Manila sa nangyari.

Gayunman, inirekomenda ng mga ito na kailangang sumasailalim sa masusing skills training at programa hinggil sa crisis management ang safety at security personnel.

Dapat din anilang paigtingin ang proseso ng hiring para sa mga empleyado lalo na sa mga sensitibong posisyon tulad ng security.

Magugunitang madaling nakalusot sa security ang guman na si Jessie Carlos kahit na may dala itong baril kaya nagawang sunugin ang ilang gaming tables at barilin ang mga nakakasalubong na tao sa loob ng casino.

Tatlumpu’t walo ang nasawi sa insidente noong nakalipas na taon kasama na ang suspek.

TAGS: jessie carlos, Radyo Inquirer, resorts world manila, jessie carlos, Radyo Inquirer, resorts world manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.