1 patay, 14 sugatan nang mahulog sa creek ang sinasakyang kuliglig sa Isabela

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2018 - 12:52 PM

Isa ang nasawi habang 14 na iba pa ang sugatan makaraang mahulog sa malalim na creek ang sinasakyan nilang kuliglig sa Isabela.

Naganap ang aksidente alas 5:30 ng umaga ng Miyerkules (Oct. 10) sa Barangay Garita bayan ng Cabagan.

Nakilala ng mga otoridad ang nasawi na si Josefa Bautista isa sa mga sakay ng kuliglig na idineklarang patay sa Milagros District Hospital.

Ang mga nasugatan naman na pawang magkakamag-anak na kinilalang sina;

James Bautista
Jesus Bautista
Melissa Bautista
Marvin Bautista
Lenie Panganiban
Vinia Panganiban
Paul Panganiban
Victor Panganiban
Hermenia Panganiban
Ronald Panganiban
Genalyn Abellon
Lenie Panganiban
Charles Pagurayan
Ariel Pagurayan

Minamaneho ni Ariel Pagurayan ang kuilglig patungo sa Barangay Masipi West para umani ng mais.

Pero nawalan ito ng kontrol pagsapit sa palikong bahagi ng kalsada at nahulog sa malalim na kanal.

TAGS: accident, Cabagan Isabela, Kuliglig, accident, Cabagan Isabela, Kuliglig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.