Tatlong senatorial candidates pinangalanan ng NPC

Tiyak nang mapapasama sa senatorial slate ng Nationalist People’s Coalition o NPC para sa 2019 elections sina Senators Grace Poe, JV Ejer

cito at dating senador Lito Lapid.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, senior council leader ng NPC, 100 porsyento nang tiyak na kasama ang tatlo sa NPC slate.

Si Ejercito ay nanumpa sa partido ngayong araw (Oct. 10). Iniwan ni Ejercito ang political party ng kaniyang ama na Pwersa ng Masang Pilipino.

Habang si Lapid naman ay nanumpa noong nakaraang linggo.

Si Poe naman ay ikinukunsiderang “honorary member” ng NPC.

Read more...