C-130 na may lulang relief goods ipadadala ng Pilipinas sa Indonesia
Magpapadala ng C-130 aircraft ang Pilipinas na may lamang mga relief goods at iba pang pantulong sa mga nabiktima ng magnitude-7.5 earthquake sa Central Sulawesi, Indonesia.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang C-130 na aalis ngayong araw (Oct. 10) ay maghahatid ng relief goods at sa Oct. 15 muli itong aalis patungong Indonesia at mananatili doon para tumulong sa pagbiyahe ng mga pangangailangan ng mga nasalanta.
Ani Lorenzana, humiling ng tulong ang Indonesia sa Pilipinas simula pa noong nakaraang linggo.
Natagalan lang aniya ang paghahanda ng tulong dahil sa kalamidad din na tumama sa bansa partikular ang magkasunod na landslide sa Itogon, Benguet at Naga City sa Cebu.
Umabot sa 2,000 katao ang nasawi sa nasabing lindol sa Sulawesi at 800 naman ang nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.