Taxi Driver na inireklamong sangkot sa “tanim-bala”, humarap sa LTFRB

By Erwin Aguilon November 04, 2015 - 12:13 PM

Laglag Bala hearing
Kuha ni Erwin Aguilon

Itinanggi ng taxi driver na si Ricky Milagrosa ang reklamo laban sa kanya ng isang Julius Niel Havana na siya ay sangkot sa Tanim-Bala.

Humarap sa pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory bhoard (LTFRB) si Milagrosa sa siyang nagmamaneho ng Vigil taxi (UVK 190) noong gabi ng Oct 29, 2015.
Noong nasabing petsa sumakay ang sinasabing kaibigan ni Havana sa Balic-Balic, Sampaloc, Manila at nagpapahatid sa NAIA pero sinabing may dadaanan muna sa Remedios St, Malate, Manila.

Ayon kay Milagrosa, mukhang nakainom pa ang kanyang pasahero at doon pa nga sa loob ng taxi nagpalit ng damit at nagsuot ng sapatos.

Sinabi rin nito na sa buong biyahe ay hindi niya nahawakan ang mga gamit ng sinasabing biktima.

Pagdating aniya sa Remedios St. sumalubong sa kaniyang pasahero ang dalawang lalaki at sinabing nagbago na ang isip nito at hindi na didiretso sa NAIA.

Dahil dito, nakipagtalo si Milagrosa sa pasahero dahil hindi hindi umano nito sinunod ang kanilang napag-usapang biyahe at lugar na paghahatiran sa kaniya.

Kasama ni Milagrosa na dumating sa hearing ang operator ng minamaneho niyang taxi habang hindi naman nakadalo ang nagrereklamong si Havana at isa pa na sinabing naging pasahero din ng nasabing taxi dakong alas 3:00 ng hapon sa kaparehong petsa na tinaniman din umano ng bala ang bagahe.

Kaugnay nito, ipatatawag na rin ng LTFRB si Havana na siyang nagpost sa facebook ng alegasyon laban kay Milagrosa.

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, ipapadala nila ang subpoena sa manning agency ni Havana upang makuha ang address at contact number nito upang mapaharap sa susunod na pagdinig na itinakda sa Martes, November 10, 2015.

Ito ay upang mabatid kung nagsasabi ng totoo si Havana sa kanyang post at kapag nabigo muli itong dumalo ay ipaco-contempt na ito.

Sinabi pa ni Ginez na kapag napatunayang nagsisinungaling si Havana ay ire-refer nila ang usapin sa National Bureau of Investigation (NB) upang mapanagot sa usapin.

Bukod kay Havana, padadalhan din ng subpoena ang isa pang nagrereklamo laban sa driver ng nasabing taxi na sinasabing tinaniman din ng bala.

TAGS: LaglagBalahearingatLTFRB, LaglagBalahearingatLTFRB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.