Magnificent 7 sa Kamara tiwalang hindi lulusot ang draft federal constitution

By Erwin Aguilon October 10, 2018 - 08:53 AM

Malakas ang paniniwala ng Magnificent 7 sa Kamara na hindi maaprubahan ang Resolution Number 15 o ang draft federal constitution.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, marami ang tutol sa Charter Change kaya malabo itong mapagtibay.

Iginiit ni Lagman na maging si Davao Oriental Rep. Corazon Nuñez-Malayaon na isa sa sponsor ng panukala sa plenaryo ay hindi kumbinsido sa probisyon ng draft constitution may kaugnayan sa pag-aalis sa bise presidente bilang kapalit ng presidente sakaling mamatay, magbitiw o kaya naman ay magkasakit at hindi na kayang gampanan ang trabaho.

Nababahala naman ni Akbayan Rep. Tom Villarin na bumalik ang bansa sa sitwasyon bago ang 1986 People Power Revolutipn kapag naaprubahan ang draft federal constitution.

Sinabi pa nito na kailangan talaga ng reporma sa pulitika sa bansa tulad ng pagbabawal sa mga balimbing, political dynasty at ang pagpapanatili ng term limit.

Sa ngayon anya ay nasa 95% ng mga pulitiko ay mula sa political dynasty kaya napapanahon na umano upang alisin ito.

TAGS: charter change, House resolution, Radyo Inquirer, charter change, House resolution, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.