8 pelikulang kalahok sa MMFF 2018 nakumpleto na

Kumpleto na ang walong pelikulang kalahok para sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Inihayag ng MMFF 2018 Executive Committee ang huling apat na pelikula na bubuo sa Magic 8.

Ang huling apat na pelikula ay kinabibilangan ng sumusunod:

1. Rainbow’s Sunset, Likhang Silangan Entertainment
Starring: Eddie Garcia, Tony Mabesa, Gloria Romero, Sunshine Dizon

2. One Great Love, Regal Entertainment
Starring: Kim Chiu, Dennis Trillo, JC de Vera, Miles Ocampo, Marlo Mortel

3. Mary, Marry Me, Ten 17P Films
Starring: Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Sam Milby

4. Otlum, Horseshoe Studios
Starring: Ricci Rivero, Buboy Villar, Jerome Ponce

Noong Hunyo, nauna nang inanunsyo ang unang apat na pelikulang pasok bilang official entries na kinabibilangan ng Vice Ganda starrer na “Fantastica: The Princess, The Prince, and the Perya”; “Girl In The Orange Dress”; “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” nina Vic Sotto at Coco Martin at ang “Aurora” na pinangungunahan ni Anne Curtis.

Read more...