Pamamahagi ng relief goods ng DSWD hindi na dapat pakialaman ng COA ayon sa pangulo

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2018 - 07:47 AM

DSWD Photo

Pinagbabawalan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Audit (COA) na pakialaman pa ang pamamahagi ng relief goods ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nasasalanta ng iba’t ibang uri ng kalamidad sa bansa.

Sa pahayag ng pangulo sa oath taking sa mga bagong halal na opisyal ng Malacañang Press Corps, sinabi nito na dahil sa ginagawang pag-audit ng COA, napipilitan ang DSWD na ibigay ang pondo sa mga mayors pati na ang pondo sa 4Ps at senior citizens.

Dahil sa nalilipat anya ang pondo sa mga mayors, hindi na nabibigyan ang karapat-dapat na mga benepisyaryo dahil pinipili na lamang ng mayor na bigyan ang kanyang mga tauhan at tagasuporta.

Dapat anya ang DSWD ang direktang mamigay ng tulong at ipa-validate na lamang ang listahan ng mga benepisyaryo sa Department of Interior and Local Government.

Binatikos din ng pangulo ang acting chief ng DSWD sa pagbibigay ng pondo sa mga mayors.

TAGS: COA, dswd, Radyo Inquirer, relief, COA, dswd, Radyo Inquirer, relief

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.