PUBLIC SERVICE: Bahagi ng QC at Mandaluyong mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw, Oct. 10, ang bahagi ng Quezon City at Mandaluyong City.

Alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas mawawalan ng kuryente ang mga bahagi ng Barangay Manresa, Damar at Pag-ibig sa Nayon.

Ayon sa Meralco, maglilipat sila ng mga pasilidad na maaapektuhan ng CITRA Skyway Project sa kahabaan ng Sgt. Rivera Ave. sa Brgy. Manresa.

Sa Mandaluyong naman, alas 11:30 ng gabi hanggang alas 4:30 ng madaling araw mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay Plainview.

Ito ay dahil naman sa line reconductoring work ng Meralco sa Maysilo Circle.

Read more...