Patay sa lindol sa Haiti, nadagdagan pa
Umakyat na sa labingpito ang nasawi habang halos 2,500 na mga bahay ang nawasak sa lindol na tumama sa Haiti noong Sabado.
Ang lindol na mayroong magnitude na 5.9 ay tumama sa northern Haiti at nagdulot ng matinding panic sa mga residente.
Ayon sa civil protection agency ng Haiti, dalawa pa ang nakumpirmang nasawi kaya tumaas sa 17 ang death toll.
Nasa 333 na katao naman ang sugatan at ayon kay Prime Minister Jean Henry Ceant nasa 2,280 na mga bahay ang nasira.
Patuloy pa rin ang nararanasang aftershocks sa lugar kaya nangangamba pa rin ang mga residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.