Sec. Abaya, umaming may dalawang extortion complaint tungkol sa nahuling bala sa NAIA

By Dona Dominguez-Cargullo, Ruel Perez November 04, 2015 - 11:54 AM

Laglagbala Phobia Nandy Ayahao
Photo Contributed by Nandi Ayahao

Hindi bago at hindi lamang ngayon nangyayari ang mga kaso ng mga pasaherong nahuhulihan ng bala sa airport.

Ayon kay Department of Transportation and Communications (DOTC) Undersecretary at Office of Transportation Security Administrator Roland Recomono, taong 2008 pa ay nakapagtala na sila ng mga kaso ng mga pasaherong nagdadala bala kapag bibiyahe dahil ginagamit umano nila ito bilang anting-anting.

Sinabi naman ni DOTC Sec. Emilio Abaya na sa datos mula taong 2012, umaabot ng mahigit isang libo ang bilang ng mga pasaherong nahaharang sa apat na terminals ng Ninoy Aquino International Airport dahil sa pagdadala ng bala.

Pinakaraming naitalang kaso ng pagdadala ng bala sa NAIA noong 2013. Ayon kay Abaya, noong 2012 may naharang na 1,214 na pasahero; noong 2013 ay umabot sa 2,184; noong 2014 ay 1,813 at as of October 2015 ay umabot na 1,394.

Sa 1,394 na bilang ng mga pasahero na nakuhanan ng bala, 139 dito ay may dalang live ammunition habang ang iba ay pawang mga basyo na lamang. Sa 139 na pasaherong nagdala ng live ammunition, 51 na ang nasampahan ng kaso.

Sinabi ni Abaya na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maibalanse ang imbestigasyon sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga pasahero at pagtiyak naman na hindi maaapektuhan ang morale ng mga tauhan ng airport dahil sa mga balitang ‘tanim-bala’.

Bagaman may mga kaso na noon pa na talagang nagdadala ng bala ang mga pasahero, sinabi ni Abaya na tuloy ang imbestigasyon sa alegasyong ‘tanim-bala’.

Sinabi ni Abaya na mayroong dalawang kaso ng extortion na inireklamo ng pasahero laban sa tatlong tauhan ng Airport. “We know that there are two cases of extortion. We are currently investigating on extortion allegations,” ayon kay Abaya.

Paliwanag naman ni Recomono, kapag ang dala ay live bullets, kakasuhan ang pasaherong nagdala nito at kung hindi naman live bullet ang dala ay kukumpiskahin lamang ito at hindi sasampahan ng kaso ang pasahero.

TAGS: LaglagBala Tanim Bala, LaglagBala Tanim Bala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.