Maalinsangang panahon inaasahan sa buong bansa ngayong araw – PAGASA

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa 4am weather advisory ng weather bureau, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 660 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.

Inaasahan mang matutunaw ang LPA ay pinapayuhan pa rin ang publiko na manatiling nakatutok sa updates ng PAGASA tungkol dito.

Sa ngayon, patuloy na nakakaapekto ang easterlies o hangin mula sa dagat Pacifico sa malaking bahagi ng bansa.

Ngayong araw ay inaasahan ang maalinsangang panahon sa lahat ng rehiyon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms.

Read more...