Perpetual tinalo ang EAC sa NCAA men’s basketball

By Justinne Punsalang October 10, 2018 - 12:23 AM

Napalapit pa ang University of Perpetual Help Altas sa Final Four matapos nitong talunin ang Emilio Aguinaldo College Generals sa kanilang naging tapatan kagabi para sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament.

Natapos ang laro sa iskor na 81-67 pabor sa Altas.

Ito na ang ikaanim na sunod na panalo ng Altas.

Aminado ang head coach ng koponan na si Frankie Lim, sa unang bahagi ng laro ay nahirapan sila. Ngunit pagpasok ng third quarter ay ginamit nila ang kanilang magandang offense upang manalo.

Pinangunahan ni Kim Aurin ang Perpetual matapos nitong makapagtala ng kanyang career-high na 26 points. Sinundan siya ni Prince Eze na nakapagbigay ng 14 points.

Para naman sa Generals, si Hamadou Laminou ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 17 puntos.

Samantala, bagaman dinala ni Laminou ang koponan ay nagtamo naman ito ng injury matapos matuhod sa likod ng kanyang ulo ni Jerome Pasia ng Perpetual, dahilan upang bumagsak ang import sa sahig.

Agad namang pinatawan ng disqualifying foul si Pasia dahil sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.