Dalawang holdupper patay sa engkwentro sa Quezon City

By Justinne Punsalang October 10, 2018 - 03:28 AM

Nauwi palitan ng putok ang ikinasang operasyon ng mga elemento ng Quezon City Police District – District Special Operation Unit (QCPD-DSOU) laban sa dalawang holdupper sa kahabaan ng Agham Road na sakop ng Barangay Bagong Pag-asa.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga napatay na holdupper.

Ayon sa mga operatiba ng DSOU, nagsasagawa sila ng surveillance laban sa mga miyembro ng Ang Robbery Group nang lapitan sila ng isang sibilyan at sinabing mayroong umaaligid na dalawang kahina-hinalang kalalakihan sa lugar na mayroong dalang mga baril.

Napag-alaman na ang dalawang kalalakihan ay miyembro pala ng Ang Robbery Group.

Dahil dito, ay pinuntahan ng mga pulis ang kinaroroonan ng mga holdupper.

Ngunit bago pa man malapitan ng mga pulis ang pinagtataguang barung-barong ng mga holdupper ay agad silang pinaputukan na nagresulta sa engkwentro.

Agad na nasawi ang dalawang suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang kalibre 45 baril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.