COMELEC handa na sa filing ng COC

By Rhommel Balasbas October 10, 2018 - 04:44 AM

Handa na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa filing ng Certificates of Candidacy (COC) para sa May 2019 elections.

Ang filing ng COC ay magsisimula na bukas October 11 hanggang 17 maliban sa mga araw ng Sabado at Linggo.

Nagsagawa ang COMELEC Education and Information Division ng ‘walk through’ kasama ang media sa 3rd floor ng Palacio del Gobernador kahapon.

Sa lugar na ito gaganapin ang filing ng COC ng mga tatakbong senador para sa halalan.

Ngayong araw, October 10 ay pwede nang mag-install ang media ng kanilang equipment sa filing area.

Hiwalay ang lugar ng filing para sa senatorial at party-list groups candidates.

Samantala, para mapabilis ang paghahain ng COC ay maaari nang madownload sa Comelec website ang forms na dapat ay nasulatan na bago pumunta sa COMELEC.

Mayroon din namang hard copies sa local Comelec offices na ipamamahagi ng libre at pwedeng i-photocopy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.