Pangulong Duterte itinangging itinalaga si Micahel Yang bilang economic adviser

By Rhommel Balasbas October 10, 2018 - 12:40 AM

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang itinalaga ang Chinese Businessman na si Michael Yang bilang Presidential Adviser for Economic Affairs.

Sa panayam ng Malacañang reporters, sinabi ng presidente na hindi maaaring italaga si Yang dahil isa itong Chinese.

“[He] cannot be because he’s a Chinese,” ani Duterte.

Ang pahayag na ito ng presidente ay kasunod ng pagproklama ni Yang sa kanyang website na www.opea.com.ph na siya ang bagong economic adviser ni Duterte.

Isa pang website ng Philippine Full Win Group of Companies Inc. na pagmamay-ari ni Yang ang sinabing si Yang ang bagong economic adviser.

Matatandaang kamakailan ay iginiit ng pangulo na hindi sangkot ang Chinese Businessman sa kalakaran ng iligal na droga.

Si Yang na nagmamay-ari ng Davao City Los Amigos store ay ilang beses na Nakita sa mga larawan kasama si Duterte kabilang ang pagbisita nito sa China noong 2016.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.