Mocha Uson hindi target ipapatay ng NPA – Joma Sison

By Rhommel Balasbas October 10, 2018 - 12:02 AM

Nananaginip.

Ganito isinalarawan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison si Mocha Uson.

Ito ay matapos sabihin ng dating sexy star at Communications official na kapag siya ay namatay, walang ibang dapat sisihin kundi ang NPA.

Ayon kay Sison, ang pahayag ni Uson na ito ay hindi makakapagbigay sa kanya ng pwesto sa Senado.

Matatandaang kinumpirma ni Uson ang intensyong pagtakbo sa 2019 at hindi niya anya kailangan ng security para sa sarili.

Gayunman, sinabi ng kanyang manager na kakailanganin niya ito lalo pa’t binabatikos niya ang NPA.

Ayon kay Sison, walang dahilan para sa CPP-NPA na patayin si Mocha na itinataas ang kanyang political fame gamit ang kanilang grupo sa pamamagitan ng walang katotohanang akusasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.