Bubuo ng special operations task group (SOTG) ang Philippine National Police (PNP) para pamunuan ang implementasyon ng security preparations para sa halalan 2019.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, layon nitong matugunan ang mga isyu ng harassment at poll-related violent incidents.
Itatalaga ang mga direktor ng Directorate for Integrated Police Operations para pamunuan ang bawat rehiyon lalo ang mga lalawigan na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.
Sa ngayon ay mayroong 7,926 na barangay at 896 na munisipalidad na itinuturing ng PNP bilang ‘election areas of concern’ na kailangang bantayan dahil sa malaking bilang ng poll-related incidents.
Samantala, tiniyak din ng PNP Chief na kabilang sa kanilang paghahanda ang pagbabantay sa mga police commanders na mayroong kaanak o kapamilyang tatakbo sa halalan.
Giit ni Albayalde, ito ay upang hindi magamit ng mga pulis ang kanilang impluwensya sa eleksyon.