Heart relic ni Padre Pio sa Manila Cathedral, dinagsa

KN Marcelo

Hindi mapigilan ang pagdagsa ng mga deboto na gustong masilayan at mahawakan ang heart relic ni Padre Pio.

Libu-libong deboto ang nagtungo sa Manila Cathedral mula kahapon araw ng Martes upang bigyang pugay ang santo.

Ayon sa Manila Police District, kaninang ala-1:00 ng madaling-araw ay nasa 5,000 pa ang deboto sa paligid ng Cathedral.

Inaasahang magpapatuloy pa ang pagdagsa ng mga deboto dahil hanggang mamayang gabi ito nasa Maynila bago dalhin sa Cebu.

Noong Lunes, nasa 60,000 deboto ang pumunta sa University of Sto. Tomas para sa relic ayon kay Rev. Fr. Louie Coronel.

Tatagal sa bansa ang relic hanggang sa October 26.

Read more...