NCRPO sinabing walang election hotspots sa Metro Manila
Walang natukoy ang Philippine National Police (PNP) na kahit isang election hotpot sa Metro Manila.
Sa isang panayam, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar na sa ngayon ay walang areas of concern sa rehiyon.
Gayunman ay hindi anya magpapakapanatag ang pulisya at agad na reresponde sa anumang maaaring mangyari.
Iginiit ni Eleazar na inutusan niya na ang kanyang limang district directors na magbantay sa kanilang mga lugar sa pagsisimula ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) bukas, October 11.
Maituturing lamang na election hotspot ng Commission on Elections (COMELEC) at PNP ang isang lugar kung may maitalang poll-related violence at malalang political rivalry ayon kay Eleazar.
Noong 2016 elections ay walang naitalang poll-related violence ayon sa NCRPO.
Samantala, sinabi rin ni Eleazar na sa ngayon ay wala pang pulitiko sa Metro Manila ang humiling ng proteksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.