Pinuno ng Quirino Memorial Medical Center at 3 iba pa sinuspinde ng Sandiganbayan
Pinatawan ng suspensyon ng Sandiganbayan ang pinuno ng Quirino Memorial Medical Center at tatlong iba pang tauhan ng ospital dahil sa kinakaharap na reklamong katiwalian.
Sa limang pahinang resolusyon ng Sandiganbayan 1st division, wala ring makukuhang sweldo sa loob ng 90 araw sina QMMC Chief Dr. Angeles De Leon, Luz Padua (Nurse), Milagrina Jacinto (Nutritionist Dietician) at Michael Raquel (Medical Technologist).
Ang pagsuspinde sa apat ay kaugnay ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na kinakaharap nila dahil sa maanomalyang pagbili ng magnetic resonance imaging machine o MRI na nagkakahalaga ng P44.9 million mula sa Fernando Medical Enterprises, Inc.
Sinabi ng korte na ang 90-day preventive suspension sa mga akusado ay upang matiyak na hindi nila maiimpluwensyahan imbestigasyon na isinasagawa sa kanila.
Ayon sa Sandiganbayan, dapat ay alisin muna sa posisyon ang apat dahil may mga testigong ihaharap ang prosekusyon na maaring magawa nilang impluwensyahan.at hindi na magawa pa ng labag sa batas habang sila ay nasa posisyon.
Inatasan naman ng anti-graft court ang kalihim ng Department of Health (DOH) na ipatupad ang nasabing kautusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.