LOOK: Winning combination sa 6/58 Ultra Lotto (Oct. 9)

Tumataginting na P1,026,264,340.00 ang jackpot prize sa 6/58 Ultra Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Sa official draw ngayong Martes ng gabi (October 9), ang winning combination ay 12-16-46-03-38-36.

Gayunman, wala pa ring nakakuha ng kumbinasyon o wala pa ring nanalo.

Bago ang official draw, nagpasalamat si PCSO General Manager Alexander Balutan sa lahat ng mga Pilipino na tumataya.

Aniya, nagagalak ang PCSO sa pagtangkilik ng mga tao sa mga palaro ng ahensya.

Ang bawat laro, ani Balutan, ay para sa kawang-gawa at matulungan ang mga mahihirap na Pilipino.

 

Read more...