Mga miyembro ng gabinete na sasabak sa 2019 elections, isinapubliko ni Pang. Duterte

 

Pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng gabinete na kakandidato sa 2019 midterm elections.

Ayon sa presidente, kabilang sa mga cabinet member na tatakbo sa halalan ay sina Agrarian Reform John Castriciones,  TESDA Director General Guiling Mamondiong at Presidential Spokesman Harry Roque.

Sasabak din aniya sa eleksyon sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Special Assistant to the President Bong Go at Presidential Adviser Francis Tolentino.

Sinabi ni Pangulong Duterte na may iba pang opisyal na administrasyon na kakandidato sa eleksyon sa susunod na taon, pero wala raw siya sa posisyon na isapubliko ang mga ito hangga’t hindi kumpirmado.

Hahayaan na lamang umano niya ang mga opisyal na ito na kusang mag-anunsyo ng kani-kanilang kandidatura.

Samantala, sinabi ni Pangulong Duterte na sakaling hindi ituloy ni Roque ang pagtakbo sa halalan ay hindi na niya alam kung saan siya ilalagay.

Inanunsyo ng punong ehekutibo na si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang kanyang itatalaga bilang Press Secretary.

Nakapili na rin aniya siya ng ipapalit kay Cayetano sa DFA, pero hindi muna niya ito i-aanunsyo.

Read more...