Duterte hindi dadalo sa soft opening ng Boracay

By Isa Avedaño-Umali October 09, 2018 - 07:46 PM

Inquirer file photo

Wala pang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa Boracay, matapos ang kalahating taong rehabilitasyon nito.

Paliwanag ng presidente, ang gusto lamang niya ay ayusin at linisin ang isla.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Duterte ang anim na buwang rehabilitasyon ng Boracay.

Sa October 16, 2018 ay itinakda ang dry-run ng pagbubukas ng isla habang sa October 26, 2018 ang soft-opening.

Batay sa Boracay inter-agency task force, ang bilin umano ni Pangulong Duterte ay gawing simple ang Boracay reopening.

TAGS: boracay, duterte, Malacañang, soft opening, boracay, duterte, Malacañang, soft opening

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.