“Maybe.”
Yan ang naging sagot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tanong kung may plano ba ang kanyang administrasyon na suspendihin ang excise taxes sa mga produktong petrolyo.
Sa kabila ng simpleng tugon ng presidente, tiniyak naman nito na pinag-aaralan na ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang usapin.
Bunsod ng sunod-sunod na price hike ng gasolina, diesel at kerosene at ang patuloy na pagtaas ng inflation rate ay nakikiusap ang iba’t ibang grupo at opposition solons na suspendihin na muna ang ipinapataw na excise taxes sa oil products.
Ang ipinapataw na excise taxes ay nasa ilalim ng TRAIN law.
MOST READ
LATEST STORIES