Babaeng presidential aide ipapalit ni Duterte kay Bong Go

By Chona Yu, Den Macaranas October 09, 2018 - 07:26 PM

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Isang babae ang ipapalit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Special Assistant to President Bong Go.

Gayunman ay hindi pa pinangalanan ng pangulo kung sino ang bagong presidential aide.

Sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng Malacañang Press Corps ay sinabi ng pangulo na tatakbo si Go bilang senador sa susunod na eleksyon.

Naniniwala ang pangulo na kanyang manalo ni Go dahil sa dami ng mga sumusuporta dito.

Binigyang-diin rin ng pangulo na naging tapat niyang alalay ang nasabing opisyal sa mahabang panahon.

Samantala, muling inulit ng pangulo na hindi siya nagpunta sa Hong Kong para magpagamot.

Nilinaw ng pangulo na bumili lamang siya ng mga damit at pantalon kasama ang kanyang pamilya.

Idinagdag rin ng pangulo na kaagad niyang pupunan ang mga cabinet positions na mababakante sa mga susunod na araw dahil sa pagtakbo sa 2019 election ng ilan sa mga miyembro ng kanyang gabinete.

TAGS: 2019, bong go, duterte, sap, senate, 2019, bong go, duterte, sap, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.