Panelo bagong press secretary ni Duterte

By Chona Yu, Den Macaranas October 09, 2018 - 07:11 PM

Malacañang photo

Inanunsyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Presidential Legal Counsel Sal Panelo ang magiging press secretary at presidential spokesman.

Bibigyan umano niya ng pagkakataon si Panelo na hawakan ang nasabing pwesto at kung hindi niya ito magustuhan ay ibabalik niya ito sa dating posisyon.

Papalitan ng Office of the Press Secretary ang kasalukuyang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na kasalukuyang pinamumunuan ni Sec. Martin Andanar.

Si Andanar ay gagawing consultant ng pangulo pero hindi na niya ibinigay ang iba pang detalye hingil dito.

Ipinaliwanag rin ng pangulo na hindi na niya hinintay ang desisyon ni Presidential Spokesman Harry Roque na naunang nagsabi na tatakbo bilang senador pero kalaunan ay binawi rin niya.

Sa kanyang pagharap sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps, inanunsyo rin ng pangulo na mayroon na siyang napiling bagong foreign affairs secretary pero hindi niya muna sinabi kung sino ito.

Kinausap umano siya ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano na nagsabing tatakbo bilang kongresista sa kanilang distrito sa Taguig City.

TAGS: andanar, duterte, panelo, pcoo, press secretary, Roque, andanar, duterte, panelo, pcoo, press secretary, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.