Tiniyak ng Malacañang na hindi makikiisa ang Pilipinas sa U.S sa ikinakasang show of force sa South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ginagarantiya mismo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa ginawa nitong courtesy call kagabi sa palasyo.
Sinabi ni Roque na ipinaabot kasi kagabi ni Zhao sa pangulo ang pagkabahala ng China sa naval drills ng Amerika sa South China Sea.
Bukod sa isyu ng naval drills, natalakay din aniya sa pagpupulong kagabi ang nakatakdang pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping sa buwan ng Nobyembre.
Una nang naiulat na magsasagawa ng serye ng naval drills ang US Pacific Fleet sa South China Sea sa Nobyembre
Kamakailan lang ay nagkaroon ng iringan ang barkong pagdigma ng US at China makaraang dumaan ang tropa ng mga kano sa South China Sea.