Nominasyon para sa bagong SC justice pinaghahandaan na ng JBC
Bubuksan na ng Judicial and Bar Council ang aplikasyon para sa babakantehing posisyon ni Associate Justice Noel Tijam na nakatakdang magretiro sa January 5, 2019.
Ayon sa JBC, umpisa sa November 5, 2018, tatanggapin nila ang lahat ng aplikasyon, rekomendasyon at rekisitos ng mga nangangangarap na maging miyembro ng SC.
Bukod sa posisyon ni Tijam, humahanap din ang JBC ng kapalit ni Chief Justice Teresita Leonardo De Castro na magreretiro itong darating na October 10.
Ang mga interisado na pumalit kay De castro ay maaaring magsumite ng aplikasyon umpisa sa October 15, 2018.
Kamakailan lang isinumite ng JBC kay Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist ng mga nominado para sa binakanteng posisyon ni dating SC Associate Justice at ngayoy Ombudsman Samuel Martirez.
Tiniyak rin ng JBC na dumaan sa tamang proseso ang lahat ng mga nominadong nakapaloob sa kanilang shortlist.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.