Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng isang judge sa Ozamiz City at pag-ambush sa limang Philippine Drug Enforcement Agency agents sa Lanao Del Sur.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mariing kinokondena ng Malacañang ang pagpaslang kay Ozamiz City Executive Judge Edmundo Pintac at ang pag-ambush sa limang PDEA agents.
Nakikiramay aniya ang Malacañang sa mga pamilyang naiwan ng mga biktima.
Binigyang diin pa ni Roque na patunay ito na mayroon talagang war on illegal drugs na nagaganap sa bansa.
Nabatid na bukas ng hapon ay mismong si Pangulong Duterte ang bibisita sa burol ng mga pinaslang na PDEA agents na nasa Mindanao bago ito lumipad patungong Indonesia para sa ASEAN leaders’ gathering