3 Chinese na dawit sa economic crimes, timbog sa Binondo
Natimbog ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang puganteng Chinese na sangkot sa economic crimes sa kanilang bansa.
Nakilala ang mga puganteng dayuhan na sina Fu Hanzhou, 42-anyos, at ang 37-anyos na babaeng si Huang Meizhen na naaresto ng mga ahente ng Fugitive Search Unit ng BI sa Legarda Street sa Binondo, Maynila.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval, ipapa-deport ang dalawa dahil sa pagiging undesirable at undocumented aliens.
Nakatanggap na rin ang BI ng official communication mula sa Chinese authorities na nagsasabing kanselado na ang pasaporte ng dalawa.
Pansamantalang na-detine ang dalawa sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay pa ang deportation order ng BI.
Ayon kay Sandoval, ilalagay na rin sa blacklist ng kawanihan ang dalawang banyaga para hindi na makabalik ng bansa.
Sinabi naman kay BI FSU Chief Bobby Raquepo, natimbog sina Fu at Huang matapos una nang maaresto ang kasabwat nitong si Lian Lilong sa isang hotel sa Binondo.
Paliwanag ni Raquepo, magkakasabwat ang tatlo sa credit card fraud scheme na nambibiktima ng kapwa nila Chinese.
Dalawa pang kasabwat ng mga ito ang at-large.
Naglabas na ang BI Board of Commissioners ng summary deportation orders laban sa naturang mga Chinese base narin sa hiling ng China’s Ministry of Public Security.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.