Mga taga-Iloilo, may apela sa Kamara ukol sa nagsusuplay ng kuryente sa kanila
Umaapela sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ilan sa libu-libong consumers ng Panay Electric Company (PECO) na payagan silang dumalo sa susunod na pagdinig ng House legislative franchise committee patungkol sa franchise renewal ng naturang kumpanya.
Sinabi ni Iloilo City Councilor Joshua Alim, isa sa mga tumututol sa franchise renewal ng PECO nais nilang makadalo sa susunod na pagdinig kung kinakailangan upang mailahad nila sa komite ang kanilang saloobin sa nasabing usapin.
Aniya, noong nakaraang taon, tatlong minuto lang ang ibinigay sa kanila ng komite para nakapagsalita sapagkat hindi naman sila imbitado sa naturang pagdinig.
Umaasa si Alim na bibigyan sila ng pagkakataon na makapagsalita at mapakinggan ng komite.
Sa kaniyang tantya sa 30,000 sa 60,000 na sineserbisyuhan ng PECO ay tutol sa franchise renewal ng kumpanya dahil na sa palpak na serbisyo kabilang ang overbilling, unscheduled power outages, kawalang aksyon sa mga reklamo at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.