Maja Salvador, nanalo ng Best Actress award sa Urduja Film Festival 2018

Photo credit: Maja Salvador’s Instagram

Nauwi ni Kapamilya star Maja Salvador ang Best Actress award para sa pelikulang “I’m Drunk, I Love You” sa 5th Urduja Film Festival 2018.

Sa kaniyang Instagram account, nagpasalamat si Maja sa iginawad na pagkilala ang naturang award-giving body.

Nagpasalamat din ang aktres sa kaniyang co-star na si Paulo Avelino para tanggapin ang naturang proyekto.

Ang “I’m Drunk, I Love You” ay nasa ilalim ng direksyon ni JP Habac at film company na TBA Studios kabilang ang Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno Productions.

Maliban kay Maja, nagwagi rin ng kaparehong award sina Angeli Bayani sa “Bagahe” at Joanna Ampil sa “Ang Larawan.”

Read more...