PDEA, duda sa naging aksyon ng police escorts sa Lanao del Sur ambush

By Angellic Jordan October 09, 2018 - 11:51 AM

Duda ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa naging aksyon ng kasamang police escorts bago ang amush sa Kapai, Lanao del Sur.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PDEA Chief Director Aaron Aquino na hindi niya maintindihan kung bakit nangyari pa rin ang insidente sa kabila ng pag-volunteer ng Philippine National Police (PNP) na samahan ang PDEA agents sa operasyon.

Bibisitahin aniya niya ang dalawang nakaligtas sa pananambang para personal na tanungin kung ano ang tunay na nangyari sa pamamaril.

Sinabi pa ni Aquino na mahirap talagang mag-operate dahil hindi na rin malaman kung sino ang tunay na kakampi sa mga operasyon.

Samantala, humiling na rin ang PDEA sa National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng parallel investigation sa insidente.

Sa ngayon, ni-relieve na sa pwesto ang mga police escort na sina Police Inspector Judith Ambong, SPO2 Mohammad Malma, PO3 Benjie Albellera, PO3 Abdulwab Amondi, at PO1 Saminoden Pidapan.

TAGS: Lanao del Sur ambush, NBI, PDEA, police escorts, Lanao del Sur ambush, NBI, PDEA, police escorts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.