PDEA, mayroon nang pangalan ng mga suspek sa Lanao del Sur ambush

By Angellic Jordan October 09, 2018 - 11:10 AM

Mayroon nang pangalan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 10 suspek sa pagpatay sa limang ahente sa Kapai, Lanao del Sur.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, iniuugnay ni PDEA Chief Director Aaron Aquino ang isang local drug group na kamag-anak umano ng mga nahuling board member at  city councilor ng Marawi sa kaso.

Aniya, mismong ang mga kamag-anak na ito ng mga lokal na opisyal ang umatake sa grupo ng PDEA noong Biyernes, October 5, 2018.

Sinabi ni Aquino na nakuha ang lahat ng impormasyon mula sa mga intelligence group at lumalabas na sila ang tunay na responsable sa pananambang.

Tutulong naman aniya ang Philippine National Police (PNP) na makahanap ng tamang makapagbibigay ng buong pahayag ukol sa insidente.

Sinabi rin ni Aquino na anumang araw ay sasampahan na ng kaso ang mga suspek.

Kung makitaan pa ng matibay na ebidensya na nag-uugnay sa mga lokal na opisyal, isasabay na rin aniya ang mga ito sa isasampang kaso.

TAGS: Lanao del Sur ambush, PDEA, PNP, Lanao del Sur ambush, PDEA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.