Roque, magpapatawag ng press briefing

Bagama’t naka-leave ng isang linggo, trabaho pa rin ang aatupagin ni Presidential spokesman Harry Roque.

Ayon kay director Dennis Ting ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), 11:30 ng umaga ay balik ang regular press briefing ni Roque sa New Executive building sa Malakanyang.

Una rito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Radyo Inquirer na nagsalita rin kagabi si Roque sa cabinet meeting patungkol sa isyu ng rice inflation.

Katunayan, sinabi ni Guevarra na naging very passionate si Roque sa pagtalakay sa usapin sa presyo ng bigas.

Read more...