Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Isabela, Martes ng umaga.
Sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 29 kilometers Northeast ng Divilacan bandang 8:20 ng umaga.
May lalim itong 28 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na nasirang ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.