Bilang ng mga nasawi at nasugatan sa Haiti quake nadagdagan pa

By Donabelle Dominguez-Cargullo October 09, 2018 - 08:44 AM

AP Photo

Umabot na sa 15 ang nasawi habang 300 ang nasugatan sa magnitude 5.9 na lindol na tumama sa Haiti noong Sabado.

Ayon sa pinuno ng civil protection agency ng Haiti, nakapagtala din sila ng 40 mga bahay na nawasak.

Tuluy-tuloy din ang operasyon para mailigtas ang iba pang mga nawawala.

Bagaman magnitude 5.9 lamang ang lindol, may kababawan ang pagyanig kaya maraming ari-arian ang napinsala.

Ito na ang pinakamalakas na lindol na tumama sa Haiti mula noong 2010 kung saan naitala ang magnitude 7.0 na lindol.

Dahil sa naturang pagyanig noong 2010 ay nakapagtala ng libu-libong katao na nasawi.

TAGS: 15 ang nasawi, magnitude 5.9 na lindol, tumama sa Haiti noong Sabado, 15 ang nasawi, magnitude 5.9 na lindol, tumama sa Haiti noong Sabado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.