Ilang labor groups, nais masibak sa pwesto si Lopez
Hinimok ng isang labor group kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa pwesto si Trade Secretary Ramon Lopez dahil sa umano’y kapalpakan na tutukan at makontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ayon sa Trade Union Congress of the Philippine (TUCP), oras na para iwan ni Lopez ang kaniyang pwesto dahil wala anila itong nagawa para protektahan ang mga mamamayan sa mga mapagsamantalang negosyante.
Hinaing naman ng Federation of Free Workers (FFW) ang kakulangan umano ng political will ng Duterte administration para maiwasan ang pagsipa ng mga presyo.
Ani FFW vice president Julius Cainglet, hindi nila maintindihan kung bakit nais ng DTI na manatili ang sweldo ng iba’t ibang kumpanya imbis na maghanap ng mga trabaho.
Noong nakaraang linggo, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo na sa 6.7 percent ang inflation rate noong buwan ng Setyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.