Lola patay matapos masagasaan sa EDSA-Ortigas

By Donabelle Dominguez-Cargullo October 09, 2018 - 07:44 AM

Nasawi ang isang lola makaraang masagasaan ng van sa Ortigas flyover sa EDSA southbound sa Mandaluyong City.

Naganap ang aksidente Martes ng madaling araw.

Hindi pa tuloy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Ayon sa driver ng van biglang tumawid ang biktima. Hindi rin umano mabilis ang kanyang takbo.

Galing Cubao ang van at pauwi ng Cavite nang maganap ang aksidente.

Naisugod pa sa ospital ng rescue team ng MMDA ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

TAGS: EDSA-Ortigas, Lola patay, nasagasaan, EDSA-Ortigas, Lola patay, nasagasaan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.