Direk Paul, pinaliwanag kung bakit wala si Toni sa ABS-CBN Ball

By Rod Lagusad October 09, 2018 - 05:16 AM

Ipinaliwanag ni Direk Paul Soriano kung bakit wala ang kanyang asawa na si Toni Gonzaga sa ginanap na ABS-CBN Ball.

Ayon kay Paul, ang petsa kung kailan ginanap ang naturang event ay ang siyang mismong 2nd birthday ng kanilang anak na si Severiano Elliott.

Aniya matagal na nilang naiplano ang pagdala kay Seve sa Los Angeles bago pa nai anusiyo ang pesta ng nasabing ball.

Dagdag ni Paul gusto niyang ipaakita sa kanyang anak kung saan siya isinalang.

Dahil sa pag-celebrate ng birthday ng kanilang anak ay nagbakasyo din si Paul ng isang linggo sa gitna ng promosiyon ng kanyang pelikula na “First Love” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo.

 

TAGS: ABS-CBN Ball, Paul Soriano, Severiano Elliott, Toni Gonzaga, ABS-CBN Ball, Paul Soriano, Severiano Elliott, Toni Gonzaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.